Kate Dayawan | iNEWS | September 30, 2021
Cotabato City, Philippines - September 20 nang inumpisahan na ang konstruksyon ng Rice Processing Complex na ipinatayo ng Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform - BARMM para sa mga magsasaka ng Datu Paglas, Maguindanao.
Layon nito na matulungan ang mga magsasaka mula sa lugar at sa mga kalapit-lugar na tumaas pa ang kanilang kita sa pamamagitan ng pagbawas ng kanilang postharvest losses at makakapag-produce ng high-quality milled rice.
Hinikayat naman ni MAFAR Agriculture Director Ismail Guiamel ang mga magsasaka na yakapin ang bagong teknolohiya.
Sa datos ng MAFAR, tinatayang mababawasan ang postharvest losses at tataas ang income ng mga magsasaka ng mahigit sa sampung libong sako mula sa aktwal nilang kinikita kada taon.
Ang 8 million pesos na RPC ay pinondohan sa ilalim ng Bangsamoro Appropriation Act o (BAA) at pangangasiwaan ng Datu Paglas Farmers Irrigators Multi-purpose Cooperative.
