top of page

RIDO SETTLEMENT


Nagkasundo na ang dalawang angkan sa Barangay Capiton, Maguindanao del Norte na tuldukan na ang kanilang hindi pagkakaunawaan sa pamamagitan ng Rido Settlement. Isa sa mga nanguna sa Rido Settlemen si MP Michael Midtimbang.


Nagsampa ng reklamo si Monesa Mohamad, hinggil sa

Photo Courtesy: MP Michael E. Midtimbang


pagkakapaslang sa kanyang asawa na si Madatu Saban noong December 1, 2022 laban sa apat na indibidwal na kinilalang sina Gani Saban, Nash Saban, Rudy Saban, at Salindatu Adam.


Lahat ay residente ng Barangay Capiton, Datu Odin Sinsuat, Mag del Norte.


Pero kahapon, April 23, 2022 nagkasundo ang magkabilang panig na tuldukan na ang kanilang hindi pagkaka-unawaan sa pamamagitan ng RIDO settlement.


Isinagawa ito sa lungsod ng Cotabato na pinangunahan ni Bangsamoro Mediators Incorporated President Datu Dido Mama at ang Vice President ng grupo na si Nurrodin Abdulrahman.


Ito’y sa pagkikipagtulungan ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police, kasama ang Center for Human Rights Dialogue sa pangunguna ng kanilang Project Officer na si Bai Anieza Mohamad.


Tumulong din sa pag-aayos ng dalawang angkan ang Ministry of Public Order and Safety sa pangunguna ng kanilang Development Management Officer 3 na si Khomaide Abo, at si MP Michael Midtimbang.


Bilang bahagi ng settlement, bawat respondent ay magbabayad ng blood money.


Bago naging miyembro ng BTA Parliament, si Midtimbang ay dating chair ng Maguindanao peace and reconciliation.



14 views0 comments