ROAD CONSTRUCTION

Photo Courtesy: Congresswoman Bai Dimple Mastura
KONSTRUKSYON NG 1.7 KILOMETERS NA DAAN SA SAMBOLAWAN, SULTAN KUDARAT, SINIMULAN NA
Barangay Sambolawan, Sultan Kudarat, Maguinanao del Norte -Sinimulan na ang konstruksyon ng 1.7 kilometers na daan sa Barangay Sambolawan, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte na proyekto ni Congresswoman Bai Dimple Mastura.
Pinangunahan ng Kongresista ng Masa, Bai Dimple Mastura ang groundbreaking ng konstruksyon ng 1.7 na kilometrong daan sa Barangay Sambolawan, Sultan Kudarat.
Kasama ng kongresista ang mga kinatawan at kawani ng Department of Public Works and Highways 12 (DPWH 12),ang mga opisyales ng barangay at Sultan Kudarat LGU.
Ang proyekto ay nagkakahalaga ng 49 million pesos na magbibigay daan sa pagpapalakas ng turismo sa lugar dahil konektado ang daan patungo sa dagat.
Sa Agosto ngayong taon inaasahang matatapos ang proyektong ito.