top of page

ROAD REHABILITATION SA NATIONAL HIGHWAY MULING ISINANGGUNI NI CONG BAI DIMPLE MASTURA SA RPMO-BARMM

Joeylyn dela Cruz I iMINDSPHILIPPINES


Agarang aksyon ang hiling ni Maguindanao First District with Cotabato City Representative BAI DIMPLE MASTURA sa mga kinatawan ng Regional Project Management Office-BARMM ng Department of Public Works and Highways sa pangunguna ni Dir. Najib D. Dilangalen hinggil sa road rehabilitasyon ng national highway sa unang distrito.


Photo courtesy: Cong Bai Dimple Mastura

Binigyan diin ng Kongresista ng Masa, na nauna na nya itong dinulog kay DPWH Sec. Manuel M. Bonoan at Undersecretary Emil Sadain sa pakikipagpulong nito noong Agosto 25. Bilang tugon, nangako naman ang PMO sa kanilang agarang aksyon ukol dito.


Tinalakay din sa naturang pagpupulong ang mga nakahilerang mga proyektong pang-imprastraktura para sa taong 2023 kabilang na ang mga road projects at ang naantalang dredging project sa Rio Grande de Mindanao.


Puspusan ang ang pakikipag ugnayan at koordinasyon ng tanggapan ni Bai Dimple Mastura RPMO-BARMM at Maguindanao upang maisakatuparan ang implementasyon ng mga proyekto sa kanyang distrito.


End.

0 views
bottom of page