top of page

Road sign, wastong direksyon at pavement markings, inilagay sa national highway ng Banga, South Cot.


Kate Dayawan | iNews | October 14, 2021




Cotabato City, Philippines - Bilang bahagi ng Proyektong Angat para sa Lahat ng Provincial Government ng South Cotabato sa pamumuno ni Governor Reynaldo Tamayo Jr., naglagay ang pamunuan ng mga road signs, wastong direksyon at pavement markings sa National Highway Kipot-Banga-National highway, Purok Reyes road, sa bayan ng Banga.


Ito ay upang maiwasan ang anumang sakuna sa daan at upang masiguro ang kapakanan at kaligtasan ng mga motoristang dumadaan sa nasabing kalsada.


Ang nasabing proyekto ay pinondohan ng Provincial Government ng Php1,137,192.10.


Layunin ng administrasyon ni Gov. Tamayo na masigurong sabay-sabay na aangat ang aspeto ng kaunlaran sa Tama at Maayos na Serbisyo sa probinsya ng South Cotabato.




0 views
bottom of page