Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES

Kulang, pero ayos na rin daw para sa namamasadang si Mohammad Dimasangkay, ang bawas presyo sa produktong petrolyo.
Hindi man aniya sapat kung ikukumpara sa serye ng oil price hike sa mga nakalipas na buwan, makakatulong pa rin aniya ito sa mga tulad niyang namamasada.
Ngayong araw, ipinatupad ang panibagong oil price rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Ito ang ika-limang sunod na linggong nagkaroon ng bawas-presyo sa langis.
Base sa abiso ng mga kompanya ng langis na nagpatupad na ng rollback kaninang madaling araw at ala sais ng umaga, nasa P0.40 kada litro ang kaltas sa Gasolina, P0.45 naman sa kada litro ng Diesel, at P0.85 sa kada litro ng Kereosene.
Mas mababa sa unang taya ng mga taga-industriya ang ipinatutupad na rollback dahil umano sa mahal na freight at premium.
End