top of page

Rosal Family sa bayan ng Surallah, South Cotabato, tinanghal na Most Outstanding Model Family.

Joy Fernandez | iNEWS | November 15, 2021


Photo courtesy : Provincial Government of South Cotabato


Cotabato City, Philippines - A dose sa buwan ng nobyembre nang ginawaran na ng South Cotabato Provincial Population Office ang mga nagwaging Most Outstanding Model Family sa lalawigan na may temang: "Ang Pamilyang Planado Nananatiling Panatag at Matatag sa Panahon ng Pandemya"


Sampu ang mga nominadong pamilya para sa patimpalak na ito..


At ang pamilya nina Mr. Ross at Mrs. Jenifer Rosal ng bayan ng Surallah ang itinanghal na 2021 Most Outstanding Model Family sa probinsya.


Tumanggap ng apatnapung libong piso ang pamilya at tropeyo bilang parangal.


Tumanggap naman ng tatlumpung libong piso at tropeyo ang pamilya nina Mr. Felipe at Mrs. Valmie Mariveles ng Koronadal City matapos magwagi bilang 1st runner up.


Habang 2nd runner up naman ang pamilya nina Mr. Hernando at Mrs. Luzviminda Dieta ng bayan ng Norala kung saan nakatanggap sila ng dalawampung libong piso at isang tropeyo.


Ang mga pamilyang bigong manalo ay nakatanggap pa rin ng labindalawang piso at Plaque of Recognition.


Taong 1994 pa nang sinimulan ang Search for Most Outstanding Model Family sa lalawigan na may layuning bigyan ng pagkilala ang bawat mag-asawang walang pagod na tinaguyod ang kanilang pamilya at masiguro ang magandang kinabukasan ng kanilang mga anak.


16 views
bottom of page