top of page

SACLEO,67 INDIBIDWAL NA LUMABAG SA BATAS ARESTADO NG PNP BARMM


Apat na wanted persons, 25 drug personalities, 35 gambling law violators ang arestado ng PNP BARMM sa Simultaneous Anti Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) simula April 18 hanggang April 23. Pitong individual din ang na-rescue.


Sa ikinasang regionwide operation ng Manhunt Charlie, apat na wanted persons ang naaresto, isa ang nasawi, dalawa ang sumuko at isa ang pumanaw na.


Photo Courtesy: Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region


Dalawampu’t limang drug traffickers naman ang hinuli sa isinagawang anti-illegal drug operation na nagresulta sa pagkakasamsam ng 43.2 grams ng pinaniniwalaang shabu at 2.0746 grams ng marijuana na nagkakahalaga ng 289,835 pesos.


Tatlumpo’t limang indibidwal naman ang kalaboso sa anti-illegal gambling operations sa probinsya ng Basilan at Tawi-Tawi kung saan nakumpiska ang mga gambling paraphernalia at bet money na nagkakahalaga ng 11,528 pesos.


Sa kampanya laban sa loose firearms, tatlong indibidwal ang arestado, isa ang nasawi, dalawampung loose firearms ang narekober, nakumpiska at isinuko.


Pitong indibidwal din ang na-rescue sa pinaigting na anti-human trafficking campaign sa Bongao, Tawi-Tawi.


Ang lahat ng mga naaresto at nakumpiskang ebidensiya ay dinala sa mga police station kung saan nangyari ang operasyon para sa dokumentasyon at disposisyon.


Ang pinalalakas na kampanya ng PRO Bangsamoro Autonomous Region laban sa lahat ng uri ng krimen ay pagsiguro para sa maayos, mapayapa at ligtas na barangay at SK elections ngayongn Oktubre sa buong rehiyon.

11 views0 comments

Recent Posts

See All