top of page

SAGIP KABUHAYAN PROGRAM SA MGA IDPs MATAPOS ANG NAGING MARAWI SIEGE NOONG 2017, NAGPAPATULOY!

KAEL PALAPAR

(Photo Courtesy: Bangsamoro Government) BANGSAMORO REGION - Inaasahang makakatanggap15,000 pesos na seed capital ang mga aplikante ng Sagip Kabuhayan Program sa ilalaim ng Marawi Rehabilitation Program ng Office of the Chief Minister ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.


Nitong Marso, dumaan sa validation ang mahigit 400 na aplikante sa mga bayan ng Balo-i at Pantar sa probinsya ng Lanao del Sur upang masuri at mapatunayang kwalipikado ang mga ito sa requirements na tinitingnan ng BARMM-MRP Provincial Management Office.

Ang nasabing programa ay naglalayon na matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng ng mga internally displaced persons matapos ang naging Marawi Siege noong 2017.


Bilang bahagi ng pagsisikap ng BARMM-MRP-PMO, nanatiling bukas ang kanilang tanggapan sa mga nais magsumite ng kanilang requirements.


Mapapabilang sa programang Sagip Kabuhayan ang solo parents, persons with disabilities (PWDs), lactating mothers, guardians of orphans, single female-headed households, ulama na hindi sapat ang buwanang kita, returning overseas Filipino workers (ROFWs), may medical condition o maintenance, o di kaya ay phased out employee dahil sa ARMM to BARMM transition.



7 views
bottom of page