Lerio Bompat | iNEWS | January 27, 2022

Photo Courtesy: Google Photo
COTABATO CITY, Philippines - Sa Presidential one-on-one interview, naging kontrobersyal ang sagot ni Vice President Leni Robredo sa tanong kung bakit hindi dapat iboto sa pagkapangulo ng bansa ang kanyang mga katunggali sa posisyon.
Sa kanyang katungggaling si dating senador Bongbong Marcos, sinabi ng bise presidente na sinungaling at hindi ito nagpapakita sa mga panahon ng kagipitan.
Hindi naman malinaw para kay VP Leni ang paninindigan ni Mayor Isko sa maraming bagay kaya hindi aniya ito dapat na ibotong pangulo.
Kulang naman sa on the ground na gawa si Senator Panfilo Lacson kaya hindi dapat itong ibot ayon kay Robredo.
Hindi naman sapat ang kabutihang loob para mamuno sa bansa kaya hindi dapat ibotong pangulo si Senator Manny Pacaquiao ayon kay Vice President Leni
Robredo.
At sa tanong kung bakit siya ang dapat na ibotong pangulo?
Sagot ni Vice President Leni Robredo-
Ipinakita sa kasalukuyang krisis sa bansa ang pangingibabaw ng babaeng lider sa bansa. Ito rin ayon sa bise presidente ay ipinakita niya sa maraming trabaho nila ng office of the Vice President at marami umanong krisis sa bansa ang kanilang nalagpasan.