Kate Dayawan | iNEWS | December 16, 2021

Photo courtesy: Ministry of Social Services and Development
Cotabato City, Philippines - Bagama’t hindi na sakop ng BARMM, nagpaabot pa rin ng rice assistance ang Ministry of Social Services and Development sa mga vulnerable at marginalized sector sa Lanao del Norte.
As of December 14, abot na sa siyam na raang indigents na mula sa Sultan Naga Dimaporo ang nakatanggap ng tig 25 kilos na bigas.
Kabilang sa mga nakatanggap ang mga magsasaka, mangingisda, tricycle driver, vendor, solo parents, PWDs at senior citizens na hindi pa nakaka-avail sa anumang social protection programs ng MSSD.
Ang mga ito ay validated at assessed bilang eligible indigents na maaaring makatanggap ng bigas.
Ang pamamahaging ito ay isinagawa sa mga barangay ng Sigayan, Tanataon at Banga-an.