Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 30, 2022

Photo courtesy : PNP PRO BAR
Cotabato City, Philippines - Arestado sa PNP Checkpoint sa Barangay Sarmiento, Parang Maguindanao ang Sangguniang Kabataan Treasurer at residente ng Barangay Libungan Torreta, Pigcawayan, North Cotabato ala-5 ng hapon, araw ng lunes.
Kinilala ito sa pangalang Camid, 34-anyos.
Pinara ang sinasakayang motor ni Camid sa PNP checkpoint. Nang tinanong ang lisensiya nito, agad din umanong kinuha ni Camid ang kanyang bag pero bago pa man maipakita ang lisensiya ay nakita mula sa pagbukas nito ng bag ang tatlong sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu.
Nasa sampung gramo ng hinihinalang shabu ang nakuha mula sa posesyon ni Camid na mayroong standard drug price na PHP 68,000
Inihahanda na ng Parang, Maguindanao PNP ang pagsasampa kay Camid ng kasong paglabag sa Section 5, pagtransport at Section 11 possession ng Republic Act (RA) No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Hawak na rin ng otoridad ang mga ebidensiyang nakuha mula kay Camid.
Sinisiguro ni PNP BARMM Regional Director, Police Brigadier General Arthur Cabalona ang publiko magpapatuloy ang pinaigting ng kampanya ng otoridad laban sa lahat ng uri ng krimen.
End