top of page

SAPUL SA CCTV


Sapul sa CCTV ang pamamaril, patay sa isang security guard sa isang mall sa Cotabato City. Nagmamando ang sekyu sa pag-park ng isang sasakyan nang lapitan at barilin ito ng salarin.


Makikita sa CCTV footage na naglalakad ang salarin mula sa parking area ng isang mall sa Cotabato City.


Nakasuot ito ng yellow na damit at nakapantalon.


Makikita naman na nagmamando ang sekyu na si Rahib Lasuri Guipal para sa pagpark ng isang sasakyan sa tapat ng entrance ng mall.


Nang makatiyempo, dali-daling lumapit at bumunot ng baril ang salarin at pinaputukan ang sekyu. Nagtamo ito ng tama ng bala sa dibdib. Tinamaan din ang sasakyan na tinutulungan nang biktima na makapag-park.


Agad tumakas ang salarin papalayo matapos isagawa ang krimen. Isinugod naman sa pagamutan ang biktima pero binawian din ng buhay.


Naganap ang pamamaril ala siete dise otso ng gabi, araw ng Sabado. Narekober sa crime scene ang dalawnag cartridge cases na pinaniniwalaang mula sa caliber 45.

0 views0 comments

Recent Posts

See All