top of page

“SAYANG” ANG SALITANG INILARAN NI SENATOR PANFILO LACSON NANG IPAKITA ANG LARAWAN NI PRES. DUTERTE

Lerio Bompat | iNEWS | January 25, 2022


Photo Courtesy: GMA News


Cotabato City, Philippines - Sa isang bahagi ng panayam ng mga tumatakbong pangulo, ilang litrato ang ipinamakita sa interview na kinailangang ilarawan sa isang salita.


Nang ipakita ang litrato ng kasalukuyang pangulo, “sayang” ang isinagot ni Senator Lacson. Isang salita na mabilis na nag-trending sa social media.


Matapos ang panayam, ipinaliwanag ng standard bearer ng Partido Reporma ang kanyang sagot.


Nilinaw ng mambabatas na naniniwala siya sa sinseridad ni Duterte na puksain ang paggamit at pagbebenta ng iligal na droga sa bansa. Maganda sana ang intensyon ngunit nagkaroon ng problema sa implementasyon.


Dagdag ni Lacson, sayang din ang sinimulang laban ni Duterte kontra korapsyon. Nadungisan umano ito nang magsimula na siyang gumamit ng double standard, depende kung sino ang nahuhuling tiwaling opisyal.


Naniniwala si Lacson na malaki ang naging potensyal ni Duterte na paunlarin ang Pilipinas.


Hinangaan naman ng mga netizens ang mabilis at walang takot na sagot ni Lacson. Tinawag nila ang “sayang” bilang isa sa mga pinaka-hindi malilimutang sagot sa nasabing presidential interviews.


Nangako ang kandidato sa pagkapangulo na mangunguna sa pagiging mabuting ehemplo sakaling siya ang manalo sa darating na halalan. Aniya, responsibilidad ito ng gobyerno.

Sa katatapos lamang na presidential interview ikinalungkot ni Lacson na naging “helpless, hopeless at dreamless” na ang mga Pilipino pagdating sa mga isyu ng katiwalian sa gobyerno. Ito aniya ay isa sa mga bagay na nais niyang baguhin sa pamamagitan ng leadership by example.

21 views
bottom of page