School Administrator, arestado sa pamemeke ng TESDA Training Certificate

Kate Dayawan | iNEWS | September 29, 2021


Cotabato City, Philippines - Timbog ang school administrator na si alyas Inday matapos na mahuli ng Bongao Municipal Police Station sa inilunsad na entrapment operation pasado alas dose ng hapon kahapon, September 28, dahil sa pamemeke ng TESDA Training Certificate.


Si alyas Inday ay isang school administrator ng Taskil Learning and Development Center, Inc.


Nakumpiska mula sa posesyon ng suspek ang dalawampung piraso ng Falsified Training Certificates, Photo copy ng mga Falsified Training Certificates, 2,000 pesos na ginamit bilang marked money, mga Registration Forms, Application Forms and Modified Learner Enrollment and Survey Forms, mga cellphone, stamp pad, rubber stamp at iba pang mga ebidensya.


Nakapiit na ngayon ang suspek sa Bongao MPS at mahaharap sa kasong paglabag sa Article 171 ng Revised Penal Code.




1 view