SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE

MILG BARMM, NAGSAGAWA NG ROUNDTABLE COORDINATION MEETING SA PAGITAN NG KEY NATIONAL AGENCIES AT MINISTRIES BILANG PAGHAHANDA SA IMPLEMENTASYON NG SGLG 2023
Bangsamoro Autonomous Region - Bilang paghahanda sa implementasyon ng 2023 Seal of Good Local Governance, isinagawa ng MILG BARMM ang roundtable coordination meeting sa pagitan ng key national government agencies, kabilang na ang regional counterpart ministries.
Tinukoy sa isinagawang roundtable coordination meeting ng MILG sa pagitan ng key national government agencies at ministries ang stratehiya sa pag-alalay, paghikayat at paghamon sa mga local government units sa rehiyon upang mapabuti ang performance at service delivery na naayon sa SGLG criteria.
Ang Seal of Good Local Governance ay isang institutionalized award, incentive, honor, and recognition-based program. Pinanatili nito ang pangako sa pagdadala ng mga repormang nakatuon sa mga tao na magbibigay-daan sa mga LGU na pagyamanin ang isang kultura ng mabuting pamamahala sa harap ng mga hamon ng lokal na pamahalaan.
Kabilang sa mga lumahok sa pulong sa Davao City noong a dies ng Mayo ang mga representante mula sa DSWD, DOH, at DENR.
Lumahok din ang mga kinatawan mula sa MSSD, MOH, MENRE, atMAFAR, maging ang mga representante mula sa probinsya ng Maguindanao, Lanao del Sur, Basilan at Lamitan City, at Tawi-Tawi.