top of page

SECURITY GUARD, PANIBAGONG BIKTIMA NG PAMAMARIL SA BAYAN NG PIKIT, COTABATO

Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES


Alas kwatro kahapon ng hapon, October 10, 2022, nang barilin ang security guard na si Edgar Macasero sa Barangay Inug-ug, Pikit.


Nagtamo ito ng tama ng bala sa likod


Galing sa kaniyang pinagtarabahuan si Macasero at pauwi na ito sa kanilang bahay nang mangyari ang pamamaril


Agad isinugod sa pagamutan ang biktima.


Ito ang unang insidente ng pamamaril sa bayan ngayong linggo.


Matatandaang tatlong babae ang binaril at sugatan sa Barangay Gli-Gli noong October 8.


Kinilala ang mga ito na sina Naion Gani Abdulrahman, Jehan Abdulrahman, at Rosana Blah Mabadas.


Sugatan naman ang dalawang lalaki sa pagpapasabog ng granada sa isang welding shop sa bayan nito ring October 8 ng hapon.


Photo courtesy : Bhong Abpe


Lumikas din ang mga residente ng Barangay Calawag matapos lusubin at paputukan ang kanilang mga bahay ng mga armado.


Nauna nang sinabi ni Pikit Mayor, Sumulong Sultan na paghihigante ang isa sa kanilang nakikitang dahilan ng sunod-sunod na pamamaril sa bayan.


Ibang anggulo rin umano ang kanilang tinitingnan sa naganap na harassment sa Barangay Calawag.


Bumuo na ng Committee on Peace and Reconciliation ang lokal na pamahalaan na binubuo ng militar, pulis at iba pang stakeholders sa bayan.


Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng PNP sa mga naitalang karahasan sa bayan.


End


8 views
bottom of page