Joy Fernandez | iNEWS | November 19, 2021

Photo courtesy: Provincial Population Office South Cotabato
Cotabato City, Philippines - Isang Barangay na naman mula sa munisipalidad ng Tampakan ang itinanghal ng Provincial Population Office bilang Best Performing Barangay.
Tulad ng mga naunang pinarangalan, tumanggap din ang barangay na ito ng dalawampung libong piso, isang plaque at certificate of commendation matapos ang matagumpay nilang implementasyon ng population management and development programs sa kanilang nasasakupan.
Habang tatlumput apat na Population Program Volunteers naman ang tumanggap rin ng cash prize at T-shirt mula sa PPO at mga health kits na galing naman sa Commission on Population and Development XII.
Ang aktibidad na ito ay daan ng Provincial Population Office na bigyan ng pagkilala ang mga grupo sa probinsiya ng South Cotabato na walang tigil sa pagtugon sa problema sa populasyon lalo na ngayong panahon ng pandemya.