SELEBRASYON NG EID'L FITR, IPINAGDIRIWANG SA COTABATO CITY
Kael Palapar

COTABATO CITY - Masaya ang pamilya ni Raffsanjanei Akwa ngayong selebrasyon ng Eid'l Fitr dahil pinayagan nang isagawa ang congregational prayer sa iba't ibang lugar sa Cotabato City matapos ang mahigit dalawang taon na ipinagbawal ito dahil sa banta ng pandemya.
Gayundin ang naging sentimento ni Nash Amil na sa unang pagkakataong muli, pinayagan na ito at kanyang pamilya na isagawa ang congragational prayer sa Bangsamoro Government Center sa lungsod.
Bukod sa Bangsamoro Government Center, nagsagawa rin ng congregational prayer sa People Palace's ground, Sultan Bolkiah Masjid sa Kalangan, at iba pang lugar sa Cotabato City.
Mahigpit naman ang naging seguridad ng mga kapulisan sa mga lugar kung san isinagawa ang mga congregational prayer kaninang umaga.
Hindi pinapayagan ang mga sasakyan pumasok at mahigpit rin ipinagbabawal ang pagdadala ng mga bags sa loob ng Bangsamoro Government Center at People's Palace.
Ngayong araw ang itinakdang araw selebrasyon ng Eid'l Fitr bilang hudyat ng pagtatapos ng buwan ng Ramadhan alinsunod sa Hijri Calendar.
Ang deklarasyon ay inanunso ni Bangsamoro Grand Mufti Abu Huraira Udasan matapos mamataan ang buwan sa isinagawang moonsighting kagabi.