top of page

Sen Lacson, babawiin ang karapatan sa ilalim ng Bank Secrecy Law sakaling manalong Pangulo sa 2022

iNEWS | November 19, 2021

Photo courtesy : Inquirer


Cotabato City, Philippines - Para pangunahan ang isang disiplinado at malinis na gobyerno, sumumpa si Senador Ping Lacson nitong Huwebes na handa siyang bawiin ang kanyang karapatan sa ilalim ng Bank Secrecy Law sa unang araw ng kanyang panunungkulan kung sakaling manalo siya bilang Pangulo sa 2022.


Para kay Lacson na tumatayong standard bearer ng Partido Reporma, nagpapakita ito ng kanyang "leadership by example" para maibalik ang tiwala ng taumbayan sa gobyerno.


Nangako rin si Lacson na kasama sa mga gagawin niya sa loob ng unang 100 araw niya sa opisina ang pagbibigay ng mas episyenteng serbisyo para sa sektor ng kalusugan at ekonomiya, at ang pagkakaroon ng maayos na pundasyon para sa isang malinis na gobyerno.


Kabilang sa mga gagawin ng kanyang administrasyon ang paghahanda ng mga resources para gawing accessible at mura para sa mamamayan ang COVID-19 pill katulad ng "molnupiravir" at iba pang anti-viral drugs na napatunayang epektibo laban sa Coronavirus.


10 views
bottom of page