top of page

SEN PING LACSON, KINUNDENA ANG PAMBUBULLY NG TSINA KAUGNAY SA WEST PHILIPPINE SEA

iNEWS | December 7, 2021

Photo courtesy : Sen Ping Lacson


Cotabato City, Philippines - Kinundena muli ni Partido Reporma Presidential Candidate, Senator Ping Lacson ang pambu-bully ng Tsina kaugnay sa West Philippine Sea, na pumipigil aniya sa Pilipinas na gamitin ang energy resources sa lugar.


Partikular na dito ang Philippine Rise na may potensyal na pagkunan ng natural gas at iba pang resources tulad ng heavy metals and metallic minerals.


Ang sabi ni Lacson, sa ginagawang ito ng Tsina, hindi lang national security ang apektado, pati food at economic security - pagkain at ekonomiya. Ito ay mas malapit sa sikmura ng mga tao, kung saan directly affected ang mga mamamayan.


Dagdag ni Lacson, base sa US geological survey noong 2013, talagang nag-uumapaw ang energy resources na makukuha sa WPS.


Maraming numerong involved ha pero iisa-isahin ko para magka-ideya kayo. Sa Spratly Islands pa lang, mayroong 2.5 billion barrels ng langis at 25.5 trillion cubic feet ng natural gas.


Sa Reed Bank, ang hydrocarbon reserves ay umaabot sa 55.1 trillion cubic feet ng natural gas at 5.4 billion barrels ng langis.


At ito naman base sa estimates ng Department of Energy, umaabot sa 165 million barrels ng langis at 3.5 trillion cubic feet ng gas ang mayroon sa Recto Bank.


Ang hirap i-digest ng lahat ng numerong ‘yan pero malinaw ang ibig sabihin - kung kaya nating i-explore ang area na ‘yan at magamit ‘yung energy resources d’yan, napakalaking pera, yayaman ang Pilipinas.


Pero ang nangyayari ngayon, hindi tayo makagalaw kasi nakaharang ang Tsina.


Kaya naman ang ginawa ng tambalang Lacson-Sotto, dinala na ang usapan sa Senado.


Nitong Lunes ay kasama sa mga dininig ang Senate Resolution 954 ni Lacson na nagkukundena sa panghihimasok ng China sa ating teritoryo at exclusive economic zone sa WPS; at Senate Bill 2289 kung saan siya rin ay co-author kasama ni Senate President Vicente "Tito" Sotto III, na tumutukoy sa maritime areas ng Pilipinas.


Ayon kay Lacson na pinuno ng Senate Committee on National Defense and Security, kailangan ng mas aktibong hakbang mula sa gobyerno para mahikayat ang international community na i-pressure ang China na sumunod sa arbitral ruling na pumapabor sa Pilipinas.

6 views
bottom of page