iNEWS | November 17, 2021

Photo courtesy : Rappler
Cotabato City, Philippines - Sa panayam sa isang program sa national tv, sinabi ni Vice-presidential aspirant Senate President Vicente Sotto III na dapat ilalatag ng lahat ng mga kandidato ang kanilang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) at dapat sumailalim din sa drug testing.
Pero sinabi ng opisyal na sa hindi maaring pilitin ang kandidato na sumailaim sa drug test.
Ayon sa senador, sa ilalim ng original Comprehensive Drugs Act of 2002 na akda nito, mayroong probisyon na nagsasaad na lahat ng kandidato ay dapat sumailalim sa drug testing pero tinanggal aniya ito ng supreme court dahil sa pagiging unconstitutional.
Sa tanong sa senador kung dapat bang ilahat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang SALN, sinabi nito na dapat ay ilahad ng pangulo ang kanyang SALN dahil ito ay pangulo ng bansa at inaasahan ito ng taombayan sa kanilang mga lider.
Sinabi ng senador na gumawa siya ng panuntunan sa kanyang mga kasamahan sa senador na kinakailangan lamang ng publiko na sumulat sa chamer’s secretariat upang makakuha ng kopya ng SALN ng kahit sinong senador.