top of page

Senator Bong Go, hindi interasadong tumakbo bilang Presidente ng bansa sa Halalan 2022

Kate Dayawan | iNEWS | September 27, 2021



Cotabato City, Philippines - Hindi umano interesado si Senator Christopher "Bong" na tumakbo sa pagka Presidente para sa darating na Halalan 2022.


Ito ang kanyang inihayag sa isang ambush interview kasabay ng kanyang pagbisita sa Malasakit Center na matatagpuan sa Cotabato Regional and Medical Center sa Cotabato City noong araw ng Biyernes, September 24.


Sinabi pa nito na susuporta na lamang siya sa kung sino man ang makakapagpapatuloy sa mga nasimulan ng administrasyong Duterte.


Sinabi nito na sa kasalukuyan ay nakatuon ang kaniyang atensyon sa pagseserbisyo sa mga nangangailangan.

Ito ang kanyang inihayag isang araw matapos ang pormal na pagtanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nominasyon ng PDP-Cusi Party sa elective post na Bise Presidente.






7 views
bottom of page