top of page

Severe Tropical Storm Jolina at Typhoon Kiko, patuloy na mino-monitor ng PAGASA!

Weather Update | iNEWS | September 8, 2021


Cotabato City, Philippines – Huling namataan ang Severe Tropical Storm Jolina sa coastal waters ng Boac Marinduque.


Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 100 km/h malapit sa gitna at may pagbugso naman na aabot sa 150 km/h.


Kumikilos ito patungong west northwestward sa bilis na 15 km/h.


Habang si bagyong Kiko ay huling namataan sa layong 1,195 km East of Central Luzon.


Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 150 km/h malapit sa gitna at may pagbugso naman na aabot sa 180 km/h.


Kumikilos ito patungong westward sa bilis na 20 km/h.


Nakakaapekto pa rin ang Southwest Monsoon sa western sections ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao.


Aasahan naman ang mga pagbaha at pagguho ng lupa dulot ng matinding pag-ulan sa Metro Manila, CALABARZON, Romblon, Marinduque at Mindoro Provinces gayundin sa Central Luzon, La Union, Pangasinan at Camarines Provinces.


Magiging maulap naman ang kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat dulot ng bagyong Jolina at Southwest Monsoon sa nalalabing bahagi ng Luzon, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.


Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa marami pa ring lugar sa Luzon, kabilang na dito ang Northern Portion ng Luzon, Marinduque, Northern at Central Portions ng Oriental Mindoro, Northern at Central Portions ng Occiental Mindoro, Central at Southern Portion ng Quezon, Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, Metro Manila, Southern Portion ng BULACAN, Pampanga, Bataan, Zambales at Tarlac.


Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 naman sa La Union, Southern Portion ng Benguet, Southern Portion ng Nueva Viscaya, Southern Portion ng Aurora, Pangasinan, buong Nueva Ecija at natitira pang bahagi ng Quezon gayundin ang Polilio Islands.


Para naman sa pagtaya ng panahon sa Cotabato City bukas, papalo ang agwat ng temperatura mula 23 hanggang 31 degree celsius at 70 percent ang chance of rain.


Sa Maguindanao papalo mula 23-32 degree celsius ang agwat ng temperatura at 80 percent ang tsansa ng pag ulan.


Sa South Cotabato, maglalaro ang temperatura mula 22-31 degree celsius at 80 percent ang chance of rain.


Sa North Cotabato papalo ang temperatura mula 23-31 degree celsius at 90 percent chance of rain.


Sa Zamboanga City papalo ang temperatura mula 25 to 29 degree celsius at 90% ang tsansang uulan.


Habang sa Lanao del Sur naman papalo ang temperatura mula 17 to 24 degree celsius at 80% ang tsansa na uulan


Ang araw ay sumikat 5:33 ng umaga at lulubog 5:46 ng gabi.





5 views
bottom of page