top of page

Severe Tropical Storm Jolina papalabas na ng PAR!


Weather Update | iNEWS | September 10, 2021



Cotabato City, Philippines - Huling namataan si Typhoon Kiko sa layong 290 km East of Casiguran, Aurora


Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 185 km/h malapit sa gitna at may pagbugso naman na aabot sa 230 km/h.


Kumikilos ito patungong West Northwestward sa bilis na 20 km/h.


Patuloy pa ring nakakaapekto ang Hanging habagat o Southwest Monsoon sa Central Luzon, Southern Luzon at Western Visayas.


Makakaranas naman ng mga pag-ulan ang Western Visayas, probinsiya ng Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Mindoro, Romblon, at Palawan


Magiging maulap naman ang kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.


Bunsod ng Bagyong Kiko, itinaas ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 3 sa Extreme Northeastern Portion ng Cagayan


Tropical Cyclone Wind Signal no. 2 naman sa Batanes, Babuyan Islands, eastern portion ng Cagayan at northeastern portion ng Isabela.


Para naman sa pagtaya ng panahon sa Cotabato City bukas, papalo ang agwat ng temperatura mula 24 hanggang 33 degree celsius at 50 percent ang chance of rain.


Sa Maguindanao papalo mula 24-34 degree celsius ang agwat ng temperatura at 80 percent ang tsansa ng pag ulan.


Sa South Cotabato, maglalaro ang temperatura mula 22-32 degree celsius at 70 percent ang chance of rain.


Sa North Cotabato papalo ang temperatura mula 23-33 degree celsius at 80 percent chance of rain.


Sa Zamboanga City papalo ang temperatura mula 26 to 21 degree celsius at 50% ang tsansang uulan.


Habang sa Lanao del Sur naman papalo ang temperatura mula 18 to 27 degree celsius at 90% ang tsansa na uulan


Ang araw ay sumikat 5:33 ng umaga at lulubog 5:46 ng gabi.




3 views
bottom of page