SHARIAH PUBLIC ASSISTANCE OFFICE

AGARANG ACTIVATION NG BARMM SHARIAH PUBLIC ASSISTANCE OFFICE, ISINUSULONG NG COMMITTEE ON BANGSAMORO JUSTICE SYSTEM
Bangsamoro Autonmous Region - Ang agarang activation ng BARMM Shariah Public Assistance Office ang pinag-usapan ng Committee on Bangsamoro Justice System araw ng Martes. Bubuo rin ng Shariah Technical Working Group at ipipresinta sa plenary ang committee report hinggil dito.
Limang resolusyon ang tinalakay sa pagconvene ng Committee on Bangsamoro Justice System, araw ng Martes.
Ayon sa chairperson ng komite, MP Atty. Jose Lorena, magkikipag ugnayan sa Office of the Chief Minister at concerned agencies para sa agarang activation ng BARMM Shariah Public Assistance Office.
Makikipag ugnayan rin ang komite sa Committees on Indigenous People and Public Order and Safety hinggil sa findings ng imbestigasyon hinggil sa pagkamatay ng tatlong menor de edad sa Lambayong, Sultan Kudarat at Jocelyn Palao ng Ministry of Indigenous Peoples Affairs.
Dagdag ng mambabatas na bubuo ng Shariah technical working group sa ilaim ng supervision ng vice chair para sa Shariah, at isusumite sa plenary ang committee report hinggil dito.