SIKAT NA JERSEY NI NBA LEGEND MICHAEL JORDAN, NAIBENTA NA SA HALAGANG 10.1 MILLION DOLLAR

Joy Fernandez | iNEWSPHILIPPINES



Naibenta na sa halagang 10.1 million dollars ang sikat na basketball jersey na isinuot ng NBA legend na si Michael Jordan.


Inihayag ng Sotheby’s auction na ang jersey na ito ay isinuot ni Jordan sa Game 1 ng 1998 NBA finals kung saan kilala ito sa iconic na Red Chicago Bulls jersey na may numerong 23 sa likod.


Ito na ngayon ang itinuturing na pinakamahal na game-worn sports, matapos mahigitan ang “Hands of God” jersey na isinuot ni football legend Diego Maradona na naibenta noong buwan ng Mayo sa halagang 9.3 million dollars.


Taong 2001 nang magretiro si Jordan matapos maglaro ng dalawang season sa koponan ng Washington Wizards.

0 views