SIM REGISTRATION SA BARMM MABABA

Puspusan pa rin ang information dissemination ng MOTC BARMM hinggil sa SIM Registration. Sa April 26 ang itinakdang deadline nito pero mababa pa rin ang bilang mga nagpaparehistro sa rehiyon.
Sa April 26 na ang itinakdang deadline para
sa SIM Registration sa buong bansa. Sa BARMM, puspusan pa arin ang information dissemination ng MOTC BARMM.
Bunsod nito, tuloy sa pag iikot ang mga telecommunications company sa iba’t ibang probinsya sa rehiyon.
Sa ilalim ng Republic Act No. 11934, o ang SIM Registration Act— na nilagdaan noong October 22, 2022, sinimulang ipatupad ang SIM Registration noong December 27, 2022. Nakasaad sa batas na dapat iparehistro ng lahat ng mobile subscribers ang kanilang sim card sa loob ng 180 days o anim na buwan. Kapag bigong maiparehistro, otomatikong mag-deactive ang isang sim card.
Layunin ng batas na masawata ang paglipana ng mga spam messages, scams at iba pang criminal activities tulad ng “smishing” na gawa ng mga fraudsters.
Sa kasalukuyan mayroong 168,977,773 na aktibo at ginagamit na sim sa buong bansa.
As of April 16, 2023-
42.58% pa lamang o 71,952,802 ang narehistro.
5,263,475 ang narehistro sa DITO mula sa kabuuang 13,108,103 na active sim cards nito.
31,038,672 naman ang sa GLOBE mula sa kabuuang 87,873,936 na dapat irehistro.
35,660,655 naman ang sa SMART mula sa kabuuang 67,995,734 na dapat irehistro.