Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 31, 2022

Photo courtesy : PRO 12- PIO
Cotabato City, Philippines - Matagumpay na naisagawa ng Police Regional Office 12 ang Simultaneous Signing ng PNP Pledge of Commitment kahapon, March 30, sa pangunguna ni Police Brigadier General Alexander Tagum.
Ito ay kaugnay sa 2022 National and Local Elections.
Layunin ng nasabing aktibidad ay upang siguraduhin na magiging tapat sa kanilang sarili at tungkulin ang mga pulis ng PRO 12 bilang miyembro ng PNP upang mapanatili ang mapayapa at malayang halalan ngayong Mayo.
Ayon kay PBGen Tagum, bilang isang public servant dapat tiyakin na ang isasagawang eleksyon ay protektado lalong lalo na ang mga karapatan ng mamamayan.
Ipinaalala rin nito sa kanyang mga personnel ang kanilang mandato bilang miyembro ng PNP at dapat ay manatiling apolitical sa pamamagitan ng neutral sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin at responsibilidad sa anumang panahon.
Aniya, dapat ay hindi makisali ang mga myembro ng PNP sa anumang political activity may kamag-anak man ito, kaibigan o kahit dating boss pa.
End.