Joy Fernandez | iNEWS | September 28, 2021
Cotabato City, Philippines - Nakapagtala ng tatlong daan at apatnaput apat na panibagong kaso ng Covid-19 ang rehiyon dose as of September 27, 2021.
Sa buong rehiyon dose umaabot na sa 49, 575 ang kabuuhang kaso ng nagpositibo sa sakit. 5,705 rito ang nananatiling aktibo, 42, 257 ang gumaling at 1,605 naman ang bilang ng mga nasawi.
Sa BARMM nakapag tala ito ng 86 new cases ng Covid-19, 19 rito ay mula sa Maguindanao, 39 sa Lanao Del Sur at Marawi City, 5 Sulu at 23 sa Cotabato City.
Sa buong rehiyon ng Bangsamoro umaabot na sa 12, 780 ang nagpositibo sa sakit. 1,275 rito ang aktibong kaso, 11, 001 ang gumaling at 504 naman ang nasawi.
Sa Cagayan de Oro City, nakapagtala ang lungsod ng 36 new cases ng Covid-19 as of September 26, 2021.
Sa kabuuhan umaabot na sa 19,386 ang kaso ng Covid-19 sa Cagayan de Oro City. 3,405 ang aktibong kaso, 15, 158 ang gumaling at 823 naman ang mga nasawi.
Sa Zamboanga city, nakapagtala ang lungsod ng 24 na panibagong kaso ng Covid-19 as of September 26, 2021.
Tinatayang umaabot na sa 15, 107 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa siyudad. 1,593 ang aktibong kaso, 12, 814 ang kabuuang bilang ng mga naka-recover at 700 naman ang pumanaw mula sa sakit.
Habang nakapag tala naman ng 318 new cases ng Covid-19 ang Davao Region as of September 27, 2021.
Sa kabuuhan ay umaabot na 91, 945 ang kaso ng covid-19 sa davao region, 20, 738 ang nananatiling aktibo, 68, 362 ang gumaling at 2, 845 naman ang pumanaw mula sa sakit.
