Joy Fernandez | iNEWS | November 17, 2021

Cotabato City, Philippines - Nakapagtala ng 50 na panibagong kaso ng Covid-19 ang rehiyon dose as of November 16, 2021.
Sa buong rehiyon dose umaabot na sa 56, 391 ang kabuuhang kaso ng nagpositibo sa sakit. 690 rito ang nananatiling aktibo, 53,514 ang gumaling at 2,171 naman ang bilang ng mga nasawi.
Sa BARMM nakapag tala ito ng 10 new cases ng Covid-19 as of November 16, 2021. 3 sa Maguindanao, 1 sa Lanao del Sur at Marawi City, 3 sa Basilan at Lamitan City at 3 rin sa Cotabato city.
Sa buong rehiyon ng Bangsamoro umaabot na sa 15, 233 ang nagpositibo sa sakit. 372 rito ang aktibong kaso, 14, 255 ang gumaling at 606 naman ang nasawi.
Sa Iligan city, nakapagtala ito isang panibagong kaso ng Covid-19 as of November 16, 2021.
Sa kasalukuyan ay umaabot na sa 5,003 ang kabuuhang kaso ng Covid-19 sa Iligan City. 8 rito ang aktibong kaso, 4,565 ang kabuuang bilang ng mga naka-recover at 430 naman ang bilang ng mga nasawi.
Sa Cagayan de Oro City, nakapagtala ito ng 6 new cases ng Covid-19 as of November 15, 2021.
Sa Cagayan de oro City umaabot na sa 20, 342 ang kabuuhang kaso ng Covid-19. 347 rito ang aktibong kaso, 19, 150 ang recoveries, habang 845 naman ang covid-related deaths.
Sa Zamboanga city, nakapagtala ang lungsod ng 39 na panibagong kaso ng Covid-19 as of November 15, 2021.
Sa kasalukuyan ay umaabot na sa 21, 831 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa siyudad ng Zamboanga. 734 ang aktibong kaso, 20, 083 ang kabuuang bilang ng mga naka-recover at 1, 014 naman ang pumanaw mula sa sakit.
Habang nakapag tala naman ng 56 new cases ng Covid-19 ang Davao Region as of November 16, 2021.
Sa kabuuhan ay umaabot na 103, 756 ang kaso ng covid-19 sa Davao region, 1,543 ang nananatiling aktibo, 98, 476 ang gumaling at 3, 737 naman ang pumanaw mula sa sakit.