top of page

SOCCSKSARGEN region nakapag tala ng 304 new cases ng Covid-19 ; 57 sa BARMM

Joy Fernandez | iNEWS | September 27, 2021


Cotabato City, Philippines - Nakapagtala ng tatlong daan at apat na panibagong kaso ng Covid-19 ang rehiyon dose as of September 26, 2021.


Sa buong rehiyon dose umaabot na sa 49, 234 ang kabuuhang kaso ng nagpositibo sa sakit. 6,064 rito ang nananatiling aktibo, 41, 568 ang gumaling at 1, 594 naman ang bilang ng mga nasawi.


Sa BARMM nakapag tala ito ng 57 new cases ng Covid-19, 44 sa Lanao Del Sur at Marawi City, 2 sa Basilan at Lamitan City at 11 sa Cotabato City.


Sa buong rehiyon ng Bangsamoro umaabot na sa 12, 694 ang nagpositibo sa sakit. 1,259 rito ang aktibong kaso, 10, 936 ang gumaling at 499 naman ang nasawi.


Sa Cagayan de Oro City, nakapagtala ang lungsod ng 52 new cases ng Covid-19 as of September 24, 2021.


Sa kabuuhan umaabot na sa 19,299 ang kaso ng Covid-19 sa Cagayan de Oro City. 3, 515 ang aktibong kaso, 14,962 ang gumaling at 822 naman ang mga nasawi.

Sa Zamboanga city, nakapagtala ang lungsod ng 24 na panibagong kaso ng Covid-19 as of September 25, 2021.


Tinatayang umaabot na sa 14,928 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa siyudad. 1,491 ang aktibong kaso, 12, 744 ang kabuuang bilang ng mga naka-recover at 693 naman ang pumanaw mula sa sakit.



Habang nakapag tala naman ng 535 new cases ng Covid-19 ang Davao Region as of September 26, 2021.


Sa kabuuhan ay umaabot na 91, 627 ang kaso ng covid-19 sa davao region, 21, 270 ang nananatiling aktibo, 67, 534 ang gumaling at 2, 823 naman ang pumanaw mula sa sakit.




5 views
bottom of page