Joy Fernandez | September 29, 2021
Cotabato City, Philippines -
Nakapagtala ng tatlong daan at apatnaput tatlo na panibagong kaso ng Covid-19 ang rehiyon dose as of September 28, 2021.
Sa buong rehiyon dose umaabot na sa 49, 918 ang kabuuhang kaso ng nagpositibo sa sakit. 5,561 rito ang nananatiling aktibo, 42, 720 ang gumaling at 1,629 naman ang bilang ng mga nasawi.
Sa BARMM nakapag tala ito ng 92 new cases ng Covid-19, 22 rito ay mula sa Maguindanao, 28 sa Lanao Del Sur at Marawi City, 4 Sulu at 38 sa Cotabato City.
Sa buong rehiyon ng Bangsamoro umaabot na sa 12, 872 ang nagpositibo sa sakit. 1,302 rito ang aktibong kaso, 11, 059 ang gumaling at 511 naman ang nasawi.
Sa Cagayan de Oro City, nakapagtala ang lungsod ng 29 new cases ng Covid-19 as of September 27, 2021.
Sa kabuuhan umaabot na sa 19,415 ang kaso ng Covid-19 sa Cagayan de Oro City. 3,285 ang aktibong kaso, 15, 307 ang gumaling at 823 naman ang mga nasawi.
Sa Zamboanga city, nakapagtala ang lungsod ng 24 na panibagong kaso ng Covid-19 as of September 27, 2021.
Tinatayang umaabot na sa 15, 228 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa siyudad. 1,654 ang aktibong kaso, 12, 872 ang kabuuang bilang ng mga naka-recover at 702 naman ang pumanaw mula sa sakit.
Habang nakapag tala naman ng 497 new cases ng Covid-19 ang Davao Region as of September 28, 2021.
Sa kabuuhan ay umaabot na 92, 433 ang kaso ng covid-19 sa davao region, 20, 415 ang nananatiling aktibo, 69, 139 ang gumaling at 2, 879 naman ang pumanaw mula sa sakit.
