Joy Fernandez | iNEWS | September 23, 2021
Cotabato City, Philippines - Pumalo sa tatlong daan at limamput anim ang naitalang panibagong kaso ng Covid-19 sa rehiyon dose as of September 22, 2021.
Sa buong rehiyon dose umaabot na sa 48, 102 ang kabuuhang kaso ng nagpositibo sa sakit. 6,527 rito ang nananatiling aktibo, 40, 050 ang gumaling at 1, 517 ang bilang ng mga nasawi.
Sa BARMM nakapag tala ito ng 74 new cases ng Covid-19, 18 rito ay mula sa Maguindanao, 37 sa Lanao Del Sur at Marawi City, 1 sa Basilan at Lamitan City, 3 Sulu at 15 sa Cotabato City.
Sa buong rehiyon ng Bangsamoro umaabot na sa 12, 359 ang nagpositibo sa sakit. 1,210 rito ang aktibong kaso, 10, 671 ang gumaling at 478 naman ang nasawi.
Samantala sa Iligan City, nakapagtala ito ng 37 new cases ng Covid-19 as of September 22, 2021.
Sa kabuuhan umaabot na sa 4,527 ang kaso ng Covid-19 sa Iligan City. 463 ang aktibong kaso, 3,711 ang gumaling at 353 naman ang nasawi.
Sa Cagayan de Oro City, nakapagtala ang lungsod ng 29 new cases ng Covid-19 as of September 21, 2021.
Sa kabuuhan umaabot na sa 19,128 ang kaso ng Covid-19 sa Cagayan de Oro City. 3, 761 ang aktibong kaso, 14,549 ang gumaling at 818 naman ang mga nasawi.
Sa Zamboanga city, nakapagtala ang lungsod ng 111 na panibagong kaso ng Covid-19 as of September 21, 2021.
Tinatayang umaabot na sa 14, 277 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa siyudad. 1, 101ang aktibong kaso, 12, 510 ang kabuuang bilang ng mga naka-recover at 666 naman ang pumanaw mula sa sakit.
Habang nakapag tala naman ng 972 new cases ng Covid-19 ang Davao Region as of September 22, 2021.
Sa kabuuhan ay umaabot na 88, 723 ang kaso ng covid-19 sa davao region, 20, 072 ang nananatiling aktibo, 65, 919 ang gumaling at 2, 732 naman ang pumanaw mula sa sakit.
