SOCCSKSARGEN region, nakapag tala ng 898 na panibagong kaso ng covid-19

Joy Fernandez | iNEWS | September 22, 2021


Cotabato City, Philippines - Pumalo sa walong daan at siyamnaput walo ang naitalang panibagong kaso ng Covid-19 sa rehiyon dose as of September 21, 2021.


Sa buong rehiyon dose umaabot na sa 47, 746 ang kabuuhang kaso ng nagpositibo sa sakit. 6,620 rito ang nananatiling aktibo, 39,624 ang gumaling at 1,494 ang bilang ng mga nasawi.


Sa BARMM nakapag tala ito ng 115 new cases ng Covid-19, 30 rito ay mula sa Maguindanao, 35 sa Lanao Del Sur at Marawi City, 4 sa Basilan at Lamitan City at 46 sa Cotabato City.


Sa buong rehiyon ng Bangsamoro umaabot na sa 12,285 ang nagpositibo sa sakit. 1,181 rito ang aktibong kaso, 10,626 ang gumaling at 478 naman ang nasawi.


Samantala sa Iligan City, nakapag tala ng 2 new cases ng Covid-19 as of September 20,2021.

Sa kabuuhan umaabot na sa 4,463 ang kaso ng Covid-19 sa Iligan City. 631 ang aktibong kaso, 3,495 ang gumaling at 337 naman ang nasawi.




6 views