Joy Fernandez | iNews | December 14, 2021

Nakapagtala ng 16 na panibagong kaso ng Covid-19 ang rehiyon dose as of December 13, 2021.
Sa buong rehiyon dose umaabot na sa 56, 936 ang kabuuhang kaso ng nagpositibo sa sakit. 295 rito ang nananatiling aktibo, 54, 378 ang gumaling at 2,245 naman ang bilang ng mga nasawi.
Sa Iligan city, walang naitalang panibagong kaso ng Covid-19 as of December 13, 2021.
Sa kasalukuyan ay umaabot na sa 5,014 ang kabuuhang kaso ng Covid-19 sa Iligan City. 1 rito ang aktibong kaso, 4,579 ang kabuuang bilang ng mga naka-recover at 435 naman ang bilang ng mga nasawi.
Sa Cagayan de Oro City, walang naitalang panibagong kaso ng Covid-19 as of December 12, 2021.
Sa Cagayan de oro City umaabot na sa 20, 429 ang kabuuhang kaso ng Covid-19. 109 rito ang aktibong kaso, 19, 469 ang recoveries, habang 851 naman ang covid-related deaths.
Sa Iligan city, walang naitalang panibagong kaso ng Covid-19 as of December 10, 2021.
Sa kabuuan umaabot na sa 5014 ang kaso ng Covid-19 sa Iligan City. 5 rito ang aktibong kaso. 4575 ang recoveries habang 435 naman ang bilang ng mga nasawi.
Sa Zamboanga city, nakapagtala ang lungsod ng 6 na panibagong kaso ng Covid-19 as of December 12, 2021.
Sa kasalukuyan ay umaabot na sa 22, 434 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa siyudad ng Zamboanga. 146 ang aktibong kaso, 21, 206 ang kabuuang bilang ng mga naka-recover at 1, 082 naman ang pumanaw mula sa sakit.
Habang nakapag tala naman ng 7 new cases ng Covid-19 ang Davao Region as of December 13, 2021.
Sa kabuuan ay umaabot na 104, 377 ang kaso ng covid-19 sa Davao region, 739 ang nananatiling aktibo, 99,801 ang gumaling at 3, 837 naman ang pumanaw mula sa sakit.