SOCIAL PROTECTION | MERIT SYSTEM
PBBM, TINIYAK ANG SOCIAL PROTECTION, MERIT SYSTEM, PAG-AMYENDA SA RA NO. 11709 PARA SA MGA KAWAL NG AFP SA KANYANG TALUMPATI SA PAGATATAPOS NG MADASIGON CLASS OF 2023 NG PMA

Nakiisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagtatapos ng “Mandirigmang may Dangal, Simbolo ng Galing at Pagbangon,” o MADASIGON Class of 2023 ng Philippine Military Academy sa Lungsod ng Baguio, a bente uno ng Mayo.
Sa kanyang talumpati, ibinahagi ni PBBM ang ilang hakbang ng administrasyon para sa mga Pilipinong sundalo, katulad ng pagsulong sa modernisasyon ng Sandatahang Lakas at sa social protection para sa mga unipormadong lingkod, at pag-amyenda sa Republic Act No. 11709 sa propesyonalisasyon at merit system ng kasundaluhan.
Nanawagan din ang Pangulo sa mga nagtapos na panatilihin ang mga katangian ng tapang, integridad, at pagkamakabayan sa militar upang matiyak ang seguridad at kapayapaan sa bansa.