Joy Fernandez | iNEWS | December 7, 2021

Photo courtesy : Provincial Government of South Cotabato
Cotabato City, Philippines - Bahagi pa rin ng programang Convergence Program for Poverty Reduction ng Pamahalaang Panlalawigan ng South Cotabato sa ilalim ng pamumuno ni Governor Reynaldo Tamayo Jr
---
Tinungo ng Convergence Team sa pangunguna ni Provincial Planning and Development Officer Ma. Anna Uy ang isa sa pinakamataas na Sitio sa probinsiya ng South Cotabato, ang Sitio Bulol Lahak, Barangay Klubi sa bayan ng Lake Sebu upang malaman ang mga pangunahing problema na kinakaharap ng mga residente at nang sa gayon ay agad ring masolusyunan.
Kabilang sa mga problemang natuklasan ng Convergence Team sa kanilang isinagawang site validation---
Ay ang problema sa daan patungo sa nasabing sitio. Bagama't bukas naman ang kalsada, subalit kailangan pa rin itong matambakan ng graba dahil kahit mga motorsiklo ay hirap na makadaan bunsod ng maputik na kalsada lalo na tuwing tag-ulan.
Dagdag pa sa problema ng mga residente sa Sitio Bulol Lahak ay ang kawalan ng kuryente at inuming tubig---
Pangangailangan ng solar dryer at sheller para naman sa mga tanim na mais at palay.
Hiling rin ng mga residente na sana'y magkaroon na sila ng Day Care Center.
Lubos naman ang galak at pasasalamat ni Romy Dado, lider ng naturang Sitio sa programang ito ng Provincial Government ng South Cotabato.
Nais rin niya na sanay masolusyunan na sa lalong madaling panahon ang mga problema sa kanilang lugar upang mas mapagaan na pamumuhay ng mga residente.