top of page

SOUTH COTABATO FAMILY RONDALLA, 3RD PLACE SA NATIONAL MUSIC COMPETITIONS FOR YOUNG ARTIST

Joy Fernandez | iNEWS | December 1, 2021

Photo courtesy : Provincial Government of South Cotabato / South Cotabato Family Rondalla


Cotabato City, Philippines - Itinanghal na 3rd Place ang South Cotabato Family Rondalla sa katatapos lamang na National Music Competitions for Young Artists o NAMCYA-Junior Rondalla Category.


Unang itinatag ang National Music Competitions for Young Artist Federation o NAMCYA noong taong 1973 alinsunod sa Proclamation no. 1173 ni dating Pangulong Ferdinand Marcos---


Na nagsaad na tuwing ika-dalawamput anim ng nobyembre hanggang ika-labindalawa ng Disyembre ay ginugunita ang National Week for Young Artists.


Layon nitong mahikayat ang mga kabataan na MAIPAKITA ANG KAKAYAHAN sa larangan ng musika upang mapanatili, mapagyabong at maitaas pa ang estado ng Musikang Pilipino.


Hangarin din ng aktibidad na ito na makilala ang mga young artist lalong lalo na ang mga nasa field ng Choral singing, piano, chamber music, family ensemble at indigenous instruments.

11 views
bottom of page