top of page

SOUTH COTABATO GOVERNOR AT RE-EECTIONIST REYNALDO TAMAYO JR., NANANAWAGAN NG PAGKAKAISA

Kate Dayawan

SOUTH COTABATO — Patuloy sa panliligaw ng boto ng mga South Cotabatenos si Governor at Re-electionist Reynaldo Tamayo Jr. kasama ang kanyang buong provincial slate.


Sa nalalabing araw ng kampanya, tinungo ng gubernador ang Barangay Palian sa bayan ng Tupi at Barangay Polo sa Polomolok na kung saan ay mainit naman itong sinalubong ng mga residente sa lugar.


Sinabi ni Tamayo na ramdam na ramdam niya umano ang pagmamahal at pakikiisa ng mga mamamayan sa kanyang layunin.


Panawagan ng gubernador na ituloy lang ang pagkakaisa at siguradong marami pa umano itong magagawa para sa ika-uunlad ng lalawigan.


Aniya, ipagpapatuloy niya ang kanyang nasimulan sa pamamagitan ng pagbibigay ng tama at maayos na serbisyo sa South Cotabato.


1 view
bottom of page