Kate Dayawan

SOUTH COTABATO — Habang papalapit na umano ang araw ng eleksyon ay mas nararamdaman ni South Cotabato Governor at Re-electionist Reynaldo Tamayo Jr. na mas umiigting ang tiwala at suporta ng mga kababayan nito na nagnanais na kanyang maipagpatuloy ang mga nasimulang pagbabago sa lalawigan.
Sa kanyang pagtungo kahapon, April 16, sa Barangay Palkan at Lamcalaif sa Polomolok at maging sa Barangay Lunen, Tupi, nasaksihan umano ng gubernador kasama ang kanyang provincial slate ang mainit na pagtanggap sa kanila ng mga residente sa lugar.
Dito ay natiyak ni Tamayo na maipagpapatuloy pa nga nito ang pagbibigay ng gubernador ng tama at maayos na serbisyo sa kanyang mga kababayan.
Bara-barangay na tinungo ni Governor Tamayo ang mga residente sa lalawigan upang personal na maipahayag ang muling pagnanais na mamuno sa lalawigan at nang marinig at matugunan na rin ang mga hinain ng mga kababayan na posible pang maibigay ng Provincial Government sa mga ito.
Lubos ang pasasalmat ng gubernador sa mga residente na patuloy na nakiisa umano sa kanyang laban.