Fiona Fernandez | iNEWPHILIPPINES

Hinirang bilang Chairman ng Union Of Local Authorities of the Philippines o ULAP si South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. sa 97th National Executive Board Meeting ng ULAP sa EDSA Shangri-la, Manila kahapon.
Ang ULAP ay ang umbrella organization ng lahat ng liga ng local government units (LGUs) at locally elected government officials sa buong bansa.
Nasa ilalim ng kaniyang liderato ang League of Provinces of the Philippines (LPP) kung saan siya rin ang kasalukuyang pangulo.
Nasa ilalim din ULAP ang League of Cities of the Philippines (LCP), League of Municipalities of the Philippines (LMP), Liga ng mga Barangay (LnB), League of Vice
Governors of the Philippines (LVGP), Vice Mayors League of the Philippines (VMLP),Provincial Board Members League of the Philippines (PBMLP), Philippine Councilors League (PCL), Lady Local Legistators’ League (4L) at National Movement of Young Legislators (NMYL).
Unang sumabak si Tamayo sa mundo ng pulitika nang manalo siya bilang first councilor sa bayan ng Tupi, South Cotabato. Naging bise alkalde din ito ng bayan bago naging Mayor sa loob ng siyam na taon.
Ito ang pangalawang termino ni Tamayo bilang gobernador ng South Cotabato. Una itong tumakbo taong 2019 kung saan tinalo nito ang beteranang pulitiko na si Daisy Avance Fuentes. Sa katatapos na halalan noong Mayo, tinalo naman nito ang dating kongresista na si Ferdinand Hernandez.
Kilala ang gobernador sa kanyang mga programang libreng edukasyon at libreng hospitalisasyon sa probinsya ng South Cotabato sa kanyang tama at maayos na serbisyo at pagtitiyak na bawat South Cotabatenio ay angat sa lahat.