top of page

South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr, kumandidatong muli bilang gobernador ng probinsiya

Updated: Oct 6, 2021

iNEWS | October 4, 2021


Cotabato City, Philippines - Nagsimba muna si Incumbent South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr, bago ito dumirecho sa tanggapan ng COMELEC at naghain ng kanyang Certificate of Candidacy.


Kasama ng gobernador ang kanyang maybahay sa paghahain nito ng kanyang COC.


Kumakandidatong muli si Governor Tamayo sa gubernatorial race sa probinsya sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas o PFP.


Running mate ni Governor Tamayo si dating South Cotabato Governor Arthur “dodo” Pinggoy na kumakandidatong bise gobernador.


Pambato ng Partido sa unang distrito ng probinsya si Isidro "Ed"Lumayag


Ang kasalukuyang Bise-Alkalde naman ng Koronadal City na si Vice Mayor Peter Miguel ang manok ng PFP sa congressional race sa ikalawang distrito ng South Cotabato at si


1st District Board member sa ilalim ng PFP:


Noel Escobillo

Nilda Almencion

Bienvinido Baroso


2nd District Board member sa ilalim ng PFP:


Dok Ervin Luntao

Lyndale Causing

Junette Hurtado

Cecille Diel

Henry Ladot

Rodger Cadellino

Mike Matinong


Ayon kay Governor Tamayo ang libreng edukasyon at libreng hospitalization ang dalawa sa mga programang napagtagumpayan ng kanyang administrasyon sa kabila ng kinakaharap na COVID-19 pandemic.


Bukod pa ito sa livelihood at infrastructure projects na natapos at tinatapos pa ng provincial government.


Sa kanyang panibagong laban sa pulitika, sektor ng agrikultura, saganang kita at matatag na pamilyang cotabatenio ang ninanais na makamit ng gobernadora.




0 views
bottom of page