Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 25, 2022

Photo courtesy : Giesaril Chai Tabunaway-Jumilla / Provincial Govt of South Cotabato
Cotabato City, Phils - Hinirang bilang Top 6 Most Competitive Province ang lalawigan ng South Cotabato sa katatapos lamang na Cities and Municipalities Competitive Index ng Department of Trade and Industry.
Samantala, muli namang namahagi ng tablet ang Provincial Government ng South Cotabato sa mga mag-aaral sa lalawigan.
Hinirang bilang Top 6 Most Competitive Province sa bansa ang lalawigan ng South Cotabato sa isinagawang Cities and Municipalities Competitive Index ng Department of Trade and Industry.
Ang probinsya ay nakakuha ng 37.17 na score base sa Economic Dynamism, Government Efficiency, Infrastructure, and Resiliency ng bawat probinsya sa bansa.
Nanguna sa Most Competitive Province sa bansa ay ang lalawigan ng Rizal, sinundan ng Davao del Norte, Camiguin, Laguna, Cavite, South Cotabato, Pampanga, La Union, Batangas at Bulacan.
Pasok naman sa Top 10 1st to 2nd Class Municipality ang bayan ng Polomolok.
Ang CMCI ang isang annual ranking ng Philippine cities and municipalities na dinivelop ng National Competitiveness Council sa pamamagitan ng Regional Competitiveness Committees (RCCs) at sa tulong ng United States Agency for International Development.