Joy Fernandez | iNEWS | November 23, 2021

Photo courtesy : PGO South Cotabato
Cotabato City, Philippines - Upang makapagpaabot ng mabisa at maayos na serbisyong medikal para sa mga residenteng may sakit na tuberculosis sa probinsya...
Isa ang Provincial Government ng South Cotabato sa mga napiling benepisyaryo ng United States Agency for International Development o USAID at StopTB Partnership na makatanggap ng kumpletong set ng mga bagong digital tools sa ilalim ng Introduction New Tools Project.
Kabilang sa mga natanggap ng probinsiya Ay 2 ultra-portable chest X-ray machines (Fujifilm FDR with CAD/AI), 2 portable rapid diagnostic test machines, mobile phones bilang digital adherence tools at 3RH medicines para sa TB Preventive treatment.