top of page

SOUTH COTABATO PROVINCE, ITINANGHAL BILANG TOP 6 MOST COMPETITIVE PROVINCE!

Joy Fernandez | iNEWS | December 15, 2021

Photo courtesy : South Cotabato Economic and Investment Promotion Center


Cotabato City,. Philippines - Kahapon, katorse sa buwan ng disyembre nang isagawa ng Department of Trade and Industry sa pamamagitan National Competitiveness Council ang Virtual 9th Regional Competitiveness Summit---


Kung saan mula sa walumput isang mga probinsiya sa bansa, tinanghal bilang Top 6 Most Competitive Province ang probinsiya ng South Cotabato.

Nasungkit naman ng Koronadal City ang ikaapat na pwestong parangal para sa Resiliency Category---


Habang ikaapat na pwesto rin para sa Economic and Dynamism Category ang nakamit ng Munisipalidad ng Polomolok.


Ang mga parangal na ito ay naging posible dahil na rin sa magandang performance na ipinamalas ng bawat munisipalidad at siyudad na bumubuo sa probinsiya ng South Cotabato.

13 views
bottom of page