top of page

SOUTH COTABATO PROVINCIAL GOVERNMENT, KINILALA NG DOST 12 DAHIL SA SCIENCE AND TECHNOLOGY SERVICES

Joeylyn Dela Cruz I iMINDSPHILIPPINES


Pinarangalan ng Department of Science and Technology Region XII ang kanilang mga partners and stakeholders sa selebrasyon ng 2022 Regional Science and Technology Week, na ginanap sa SM City, General Santos City,


Kinikilala ng DOST XII, sa pamumuno ni Regional Director Sammy Malawan, ang walang patid na suporta ni Gobernor

Photo courtesy : Provincial Govt of South Cotabato


Reynaldo S. Tamayo, Jr. sa matagumpay na pagpapatupad nito ng mga programa at proyekto sa lalawigan ng South Cotabato.


Kinikilala din ng ahensiya ang Pamahalaang Panlalawigan ng South Cotabato bilang maaasahang katuwang nito sa pagsasagawa ng mga tungkulin nito kabilang ang pagbibigay ng mga serbisyong may kinalaman sa science and technology para sa mga mamamayan ng South Cotabato.


Sa talumpati ni Mr. Dennis D. Gasendo, pinuno ng South Cotabato Economic and Investment Promotion Center, binigyan diin ang kahalagahan ng science and technology sa pagpapatupad ng economic agenda ng pamahalaang panlalawigan. Inilahad din ang mga estratehiya na makakatulong sa pagpapalakas ng economiya na makapaglikha ng maraming trabaho gayundin ang pagsulong ng kapakanan ng MSMEs sa lalawigan.


End

0 views
bottom of page