Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Itinurn-over ng Agricultural Training Institute ang mga African Swine Fever Kits sa mga trained Barangay Biosecurity Officer para sa pagsasagawa ng ASF Surveillance sa probinsiya ng South Cotabato nitong Biyernes.
Ito ay bilang tugon sa pagtugon sa suliranin sa Lugar kung saan, ito ay dahil ng high mortality rates sa mga alagang baboy.
Maliban pa rito, nagsagawa din ng random blood collection ang Provincial Vetenirary Office sa bayan ng Tantangan sa mga alagang ibon upang maiwasan ang pagkalat ng Bird Flu matapos na makumpirmang na may isang nagpositibo sa naturang sakit sa lugar.
Ang Bird Flu ay kumakalat sa mga aquatic bird at maaaring makahawa sa domestic poultry at iba pang species ng ibon at hayop.