top of page

South Cotabato Provincial Hospital, nakatanggap ng donasyon mula sa Seirala Inc.

Kate Dayawan | iNEWS | September 22, 2021


Cotabato City, Philippines - Personal na dinaluhan ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. ang turn-over ceremony para sa mga donasyon ng Seirala Inc. sa South Cotabato Provincial Hospital noong araw ng Lunes, September 20.


Kabilang sa mga nasabing donasyon ay ang dalawang yunit ng black hole Digital Medical Grade Hepa Filter, tatlong yunit ng Medical grade UV light sterilizer, tatlong set ng outdoor reception tents para sa mga pasyente at sampung box ng viral transport medium (Biocomma).


Samantala,


Kahapon, araw ng Martes, pormal na itinurn-over ng Pamahalaang Panlalawigan ang walong pick-up truck sa walong barangay ng Lake Sebu.


Ang mga barangay na ito ay kinabibilangan ng Takunel, Lamfugon, Luhib, Klubi, Lamdalag, Danlag, Tasiman at Bacdulong.


Nauna ng nabigyan ng Provincial Government ang apat na barangay sa bayan ng Sto. Niño na kinabibilangan ng Barangay Poblacion, San Isidro, San Vicente at Teresita.


Ang mga ipinamahaging pick-up truck ay gagamitin bilang Barangay Patrol Vehicle.



Photo by: Provincial Government of South Cotabato

5 views
bottom of page