Kate Dayawan

COTABATO CITY - Si South Cotabato Goverrnor at re-electionist Reynaldo Tamyo Jr ang suportado ng Iglesia Ni Cristo na kandidato sa pagkagobernador ng probinsya sa May 9, 2022 elections.
Sa kanyang pahayag sa pamamagitan ng Facebook page, sinabi ng gubernador na makakaasa umano ang buong kapatiran ng INC na magsisilbi umano ang gubernador sa South Cotabato nang maka-Diyos, makatao, makabayan at makakalikasan.
Samantala, lubos ring nagpapasalamat sa nasabing simbahan si North Cotabato Governor at re-electionist Nancy Catamco sa pagpili sa kanya bilang kanilang gubernador sa darating na halalan.